Idedemanda daw ni Erap ang UN

Malamang ay pakulo lang ito ni Erap, pero sabi nya idedemanda daw nya ang UN, ayon sa article na ito. "Baseless" daw kasi yung sinabi ng UN na kasama sya sa 10 most corrupt sa buong mundo. Baseless?! Nananaginip ba sya nung sya’y hinahatulan? Guilty ka daw sabi ng korte ng 2 counts of plunder, at baka nakalimutan mo, naupheld na ng Supreme Court yung verdict na iyon. At kahit naacquit ka sa dalawa pang count ng plunder dahil nga kulang daw ng ebidensya, hindi na maikakaila na isa ka nang convict–actually ex-convict na, salamat sa tropa mong si Gloria. Ayos talaga.

No comments yet. Be the first.

Leave a Reply