Idedemanda daw ni Erap ang UN

Malamang ay pakulo lang ito ni Erap, pero sabi nya idedemanda daw nya ang UN, ayon sa article na ito. "Baseless" daw kasi yung sinabi ng UN na kasama sya sa 10 most corrupt sa buong mundo. Baseless?! Nananaginip ba sya nung sya’y hinahatulan? Guilty ka daw sabi ng korte ng 2 counts of plunder, at baka nakalimutan mo, naupheld na ng Supreme Court yung verdict na iyon. At kahit naacquit ka sa dalawa pang count ng plunder dahil nga kulang daw ng ebidensya, hindi na maikakaila na isa ka nang convict–actually ex-convict na, salamat sa tropa mong si Gloria. Ayos talaga.

Bakit hindi na lang soccer?

Tayong mga Pinoy ay wala nang pag-asang tumangkad. Tanggapin na natin ito. Kaya kahit pa alam natin kung gaano kagaling si Johnny Abarrientos at Alvin Patrimonio sa basketball, 5′10 lang (yata) si "The Flying A" at 6′3" lang si "The Captain", sadyang napakaliit kung ihahambing natin sa mga player ng China. Kaya naman lagi tayong olats kapag mga international tournament na ang sinasalihan natin (maliban lang sa SEA Games,at least may pampalubag-loob pa tayo). Wag kayong magalit, mahilig ako sa basketball, at minsan ko ring pinangarap na balang araw makapaglaro sa PBA. Pero gumuho ang lahat ng aking mga pangarap ng hindi ako umabot ng 6 feet (hanggang 5′9" lang inabot ko). Ngayon palaru-laro na lang ako tuwing nagkakayayaan ng tropa, o kaya naman nagmimiron na lang paghindi makapaglaro dahil madaming mga buwaya at buwakaw sa court.

Sa tingin ko dapat na nating umpisahang maghanap ng ibang sport na kahihiligan nating mga Pinoy. Pero siguradong hindi madaling gawin yun dahil dominado ng basketball, sa pangunguna ng PBA, ang local sports scene. Dapat mag-umpisa ito sa grassroots level. Alam kong inuulit ko lang ang mga dati nang sinasabi ng ibang mga tao, pero bakit parang walang nangyayari? Ibig sabihin meron silang maling ginagawa.

Una, dapat isipin natin kung anong sport nababagay ang Pinoy. Obviously, dapat yung sport ay hindi kailangan ng tanggkad. Pasok na dito ang baseball at soccer/football. Saktong-sakto sa body type natin ang dalawang yun, hindi requirement ang height.

Pero kung tatanungin ako kung ano ang mas posibleng pumatok sa dalawang iyon, pipiliin ko ang football. Mas matipid kasing laruin, sapatos at bola pwede na. Sa baseball, kelangan mo pa ng bat, gloves, at yung baseball para makapaglaro. E hindi naman lahat kayang makabili ng equipment. so iboboto ko ang football.

Pangalawa, kung sino man ang may balak na pausuhin ang football, huwag na silang mag-umpisa sa Maynila. Masyadong saturated na ang sports scene dito. Tapos madalang lang ang mga field na pwedeng paglaruan. Dapat mag-umpisa sa mga probinsya. Ang hirap naman kasi sa mga nag-oorganize ng mga liga dito sa atin, gusto pera agad. Kaya tumaob yung MBA dati kahit maganda sana yung konsepto nila kasi sobrang laki ng pasweldo. Ayun, naubos ang pera ng mga teams at di na napaswelduhan ang mga player.

Dapat paunti-unti lang. Pwedeng sa Visayas muna o sa Mindanao habang nag-iipon ng revenues ang liga (Actually, feeling ko ang kalalabasan ng ideya ko ay hindi nalalayo sa mga professional football leagues sa Europe). Magbuild-up muna ng fanbase sa bawat area/region. Magtayo sila ng local clubs sa bawat major city or area. Give the local people something to root for, para kapag may match, say Cebu vs. Davao, siguradong may manonood. Para sa pondo ng team, pwede silang kumuha ng sponsors tapos yung mga sponsor yung nakalagay sa tshirt ng teams, pero hindi sila yung may-ari ng team, hindi kapareho ng PBA. Magfocus sila sa ticket sales. At para sa TV coverage, gamitin nila yung mga local na TV stations. Kahit hindi muna national TV. Sigurado rin namang yung local press at icocover din yung mga laro nila. At least pati yung mga dyaryo may dagdag na maisusulat.

Ang mga nagsasabi lang naman na boring ang football ay yung mga hindi pa nakakalaro nito. Palibhasa mababa ang scoring akala nila walang aksyon sa laro. Idagdag mo pa na parating natatambakan ang national team nating kahit sa SEA games lang–meron yata akong napanood, 10-0 talo tayo– e sino nga naman ba ang magkakainteres na manood nito kung ang nakasanayan mong panoorin ay basketball?

Nung nasa probinsya ako (sa Northern Samar), magkapantay lang halos ang kasikatan ng football. Dati regular din ang liga duon, at palagay ko hanggang ngayon ganun pa rin. E pano na lang kung magkaroon ng Samar vs. Ilocos na match? Waray vs. Ilocano. O kaya Cebu/Davao vs. Laguna? Bisaya vs. Tagalog. Kung maayos lang ang marketing at affordable ang tickets, sa tingin ko hindi magdadalawang isip na manood ang mga tao ng laro. At kapag nahilig na ang mga tao sa panonood, sigurado yan na gugustuhin na nilang maglaro din, kahit katuwaan lang. At kapag marami na ang naglalaro at nahihilig dito, magkakaroon na rin ng interes ang mga tao na manood ng high quality na laro, gaya ng FIFA World Cup. At syempre gugustuhin na rin nila, lalo na yung mga bata, na gayahin yung mga player na makikita nila.

Mangyari kaya? Sa tingin ko pwede, kung gugustuhin. Ika nga, pag gusto maraming paraan, pag ayaw maraming dahilan.

Ridiculous PBA player monickers

Gone are the days when most PBA players’ monikers like Alvin ‘The Captain’ Patrimonio or ‘El Presidente’ Ramon Fernandez or Samboy ‘The Skywalker’ Lim sounded cool. Blame the present crop of PBA broadcaster wannabes’ creativity, or lack thereof. Here are some that I’ve heard so far. I’ll update the list when I get the chance to catch a game on TV.

1. Olsen "Ra-Ra" Racela - joke ba to?
2. "Wild wild Wes" Wesley Gonzales - eto pa isa. ewan ko na lang.
3. Danny "The Dynamite" Seigle - this one actually I thought was ok considering his scoring
4. Enrico "The Raging Bull" Villanueva - dati ito nung nasa Red Bull pa sya, pano ngayon nasa Magnolia na sya? The Raging Magnolia?
5. "Marvelous" Marvin Cruz
6. "Amazing" Arwind Santos
7. Asi "The Rock" Taulava - I think they tried to name him "The Volcano" (Tau-LAVA, gats?) but this one stuck. Originality? Zero points
8. Ali "The Man Mountain" Peek - 6′4" lang sya, pero siguro yung nagbansag nito ngayon lang nakakita ng ganun katangkad na tao
9. "The Hawk" Bong Hawkins - galata lang talon nito ni Hawkins pero da hawk pa rin. Magaling magaling
10. John "The Arsenal" Arigo - eto ang arsenal na walang bala
11. Jeffrey "The Jet" Cariaso
12. KG "The da Vinci of Dunk" Canaleta - eto ang isa sa mga dahilan kung bakit nawawalan ako ng gana manood pag si Mico Halili ang commentator
13.a. Kelly "The Human Highlight Film" Williams - magagalit ba si Dominique "The Human Highlight Reel" Wilkins pag nalaman nya to?
13.b "Machine Gun" Kelly Williams - narealize nila siguro kung gano kabulok yung una nilang naisip
14. Benjie "The Tower of Power" Paras - classic to, wala rin tayong magagawa sobrang tangkad na ng 6′4" nung araw
15. Wynne "The Snatcher" Arboleda
16. Freddie "The Scavenger" Abuda
17. "The Flash" Lordy Tugade - "Flash E-Lordy" –> Flash Elorde… gets?
18. Mike "The Cool Cat" Cortez
19. Jimmy "Mighty Mouse" Alapag
20. "Mr. Pure Energy" Gary David - Gary D. –> Gary V. … hindi ko pa nakitang sumayaw si David
21. Willie "Thriller" Miller - rhyme naman eh
22. James "Boy Thunder" Yap - parang member ng gang
23. Paul "Boy Kidlat/Lightning" Artadi - ditto
24. "Big Mama" Billy Mamaril - mama as in mamang pulis
25. Johnny "Flying A" Abbarientos - pano si Samboy Lim, Flying L?
26. "Major Pain" Erik Menk - di ko alam kung san galing to..
27. Mark "The Spark" Caguioa
28. Rommel "The General" Adducul
29. "The Golden Boy" Noy Castillo - at least nung college pa sya nabansagan nito
30. Cyrus "Skyrus" Baguio - talagang wala na kayong maisip noh?
31. Junthy "The Assassin" Valenzuela
32. Marlou "The Skyscraper" Aquino
33. Dennis "The Menace" Espino - wala bang rhyme na iba ang Dennis or Espino
34. Mac "Captain Hook" Cardona

Heal the wounds of Edsa?

Right now all I can do is shake my head in disbelief. Heal the wounds
of EDSA? If Executive Secretary Eduardo Ermita was referring to this
country’s wounds brought about by corruption and bad governance I would
have agreed. According to this article
Ermita said that ""One of the legacy agenda of the President is healing
the wounds of Edsa and we thought that maybe by not celebrating it will
be one of the steps toward healing any hard feelings brought about by
Edsa Dos." In other words, let’s forget that something happened in
January 20, 2001. Let’s forget that we were able to oust a very
corrupt, and to say the least, a bad president. Really, all Ermita
wants to say is that, bati na kami [yung mga barkada ni Ermita sa gobyerno] nila Erap, kalimutan nyo na yung atraso nya sa inyo. "Healing the wounds of Edsa." Who are you kidding? Lokohin mong nenang mong panot.
They keep talking about national reconciliation.  There can never be
reconciliation without admission of guilt by those charged (that would
be you, Erap) and restitution.

Nevermind that a lot of pundits
point out that it would not have been possible had the military backed
it up. The fact is history was made that day. And to forget that would
be throwing away all the lessons that we learned (or should have
learned). Randy David talks about the lessons of Edsa 2 in his article.

Cong. Roilo Golez calls Edsa 2 irrelevant.
I beg to differ. Edsa 1 and 2 represent our quest for a good
government, one that is transparent and would uphold the interest of
the nation. The result wasn’t at all what we expected, but as David put
it, "The memory of our struggle against the former [Erap] sustains our
struggle against the latter [Gloria]."