Mga ‘bakit’ sa pagcommute sa Metro Manila

1. Bakit kailangang kong manulak kapag papasok na ng mrt kahit maluwag naman sa loob?
    Masaya kasing makita yung epekto ng pagtulak sa isang tao sa napakaraming tao sa unahan mo. Tsaka dapat lang sa kanila yun, inunahan ka nila e

2. Bakit sa gitna ako dapat ng kalsada pumwesto habang nag-aantay ng jeep o bus (kagaya na lang sa commonwealth ave.)?
    Kasi hindi uso yun e. Lahat ng tao ginagawa yun kaya dapat mo ring gawin yun. Tutal di ka naman mabubundol ng mga sasakyan kasi siguradong trapik naman e at hindi na rin sila makaandar.

3. Bakit kailangang akong tumakbo at makipag-unahan sa pagpunta sa turnstile pagkarating sa mrt station kahit alam ko naman hindi ako pa late sa pupuntahan ko (partikular ito sa north ave.)?
    Kasi sayang ang 1 minute na matitipid mo kung sakaling mahuli ka sa pila. at malay mo, natatae ka pala.

4. Bakit kailangang kong tumakbo at makipag-unahang pumila sa turnstile pagkatapos kong makabili ng ticket kahit wala pa namang tren na paparating?
    Wala lang, baka trip mo lang tumakbo.

5. Bakit dapat ko pa ring umupo at sumiksik kahit na isang dangkal na lang ang espasyo na natitira sa loob ng jeepney?
    Dahil paghindi mo ginawa yun forever na kayong mag-aantay sa terminal at hindi aalis ang jeepney driver dahil hindi pa 9 nakaupo sa upuang pang 8 1/2 lang na tao ang kasya, at baka dumugin ka ng mga tao dahil abala ka at ayaw mong magsakripisyo para sa ikabubuti ng nakararami. Di ka ba nanonood ng mga movies at saka mga teleserye? Yung mga bida nag-sasacrifice raw para sa ikabubuti ng marami. di ba bida ka? Unless dumaan si mahal at sasakay sya ng jeepney…

6. Bakit dapat akong bumaba agad sa bus o jeepney kahit na nasa gitna pa ng kalsada ang sinasakyan mo at walang maaring pagbabaan, basta gusto ko lang bumaba (halimbawa na lang nasa gitna ka ng expressway o flyover)? At bakit dapat akong magalit kapag hindi sumunod ang driver?
    Syempre nakakahiya kapag natabla ka ng driver at napagsabihang bawal doon bumaba. Kaya magalit ka na lang kunwari at panindigan mo na. Kesa naman mapansin nila yung panis mong laway na tumulo habang himbing kang natutulog at mahalata naalimpungatan ka lang habang nananaginip kang nakarating ka na sa destinasyon mo.

7. Bakit kailangan kong itulak ang nasa unahan ko kapag marami at siksikan ang mga tao sa mrt station?
    Dahil kapag ginawa mo to magkakaroon ng espasyo sa harapan mo at makakausad ka na kahit isang hakbang lang, o di ba napakalaking bagay nito, ika nga ng kasabihan: "a journey of a thousand miles begins with a single step…"

8. Bakit dapat akong gumawa ng bagong pila kapag mayroong napakahabang pila at nasa hulihan ako?
    Para nasa unahan ka na ng pila. tapos sumingit ka na lang sa kalagitnaan nung unang pila. kapag may nagreklamo e di sabihin mo: "nakapila nga ko! di mo ba nakikita yung mga nasa likod ko."

9. Kapag nasa isang makitid na daanan kung saan kasya lang ang dalawang linya ng mga tao, bakit kailangan kong unahan ang taong nasa harapan mo kahit na nagsisiksikan rin naman ang mga tao sa harapan niya?
    Dahil kapag merong konting espasyo sa harapan ng taong nauuna sa iyo, kinakailangang makapwesto ka roon no matter what. kahit pa mabalya mo yung makakasalubong mo na tao, o masiko mo yung inoovertake-an mo na tao.

10. Bakit hindi ako pwedeng magbigay ng lugar kapag may nakasabay ako sa pagpasok sa pintuan ng mrt?
    Huwag kang magbigay ng lugar dahil maaaring wala ka nang mapwestuhan sa loob ng tren, gustong-gusto mo pa naman na nakatayo malapit sa pintuan kahit malayo pa ang bababaan mo.

11. Bakit hindi ko dapat gamitin ang overpass sa pagtawid sa highway?
    Kasi balita raw na maraming mandurukot at holdaper sa mga overpass, kaya kahit na delikadong tumawid sa highway okay lang, di bale nang masagasaan ng rumaragasang 10-wheeler truck wag lang manakawan o maholdap. Malay mo si optimus prime pala yun, o di ba sosyal ka pa? Pinuno ng autobots ang sumagasa sayo.It’s your lucky day!